-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang hanging dala ng typhoon Fabian, habang nananatili ito sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, dahil sa bagal ng bagyo, maaari ring magpatuloy ang ulang dala ng hinahatak nitong habagat hanggang sa weekend.
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 705 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.
Mabagal pa rin ang pag-usad nito, patungo sa pangkalahatang direksyong pakanluran.