Pahirapan pa rin ang isinasagawang malawakang rescue operations sa mga biktima ng hagupit ng mudslide na sinabayan pa ng pag-ulan sa Atami, Shizuoka prefecture sa Japan.
Tinatayang nasa 80 katao ang pinangangambahang nawawala pa habang tatlong katao na ang kumpirmadong nasawi dalawang araw matapos ang pananalasa ng mala-tsunami na mudslide.
Karagdagang 13 katao ang na-rescue ayon pa sa opisyal ng Atami City kasunod ng walang humpay na ginagawang rescue operations ng mga awtoridad, firefighters at miyembro ng Japan Self- Defense Forces.
Ayon pa sa opisyal, isa sa malubhang nasugatan ay nasawi rin kalaunan habang nasa 25 survivors ang narescue.
Sinabi ni Shizuoka Governor Heita Kawakatsu na magsasagawa ng imbestigasyon kung ang nangyaring mudslide ay may kinalaman sa iligal na aktibidad ng deforestation sa lugar.
Batay sa ulat ng Japanese government noong 2020, pumapalo sa 1,500 landslides kada taon ang naitala sa nakalipas na dekada, 50 porsyento itong mas mataas kumpara sa nagdaang 10 taon. (with reports from Bombo Everly Rico)










