Target na rin ng Senado na malaman kung sino ang naging padrino ni P/MSgt. Jonel Montales Nuezca sa mga nakaraang kaso nito, kaya nakalusot sa mga kinasangkutang kontrobersiya.
Naniniwala si Sen. Imee Marcos na posibleng may mga protektor ang naturang pulis, kaya walang pakundangan kahit palaging nasasangkot sa isyu.
Lumitaw sa police record na si Nuezca ay nasangkot sa dalawang homicide case na nadismis lamang.
Nasuspinde rin siya sa pagtangging sumailalim sa drug test noong 2014 at nasampahan pa ng grave misconduct noong 2013 at serious neglect of duty noong 2016 sa kabiguang maging testigo ng prosekusyon sa isang kaso ng droga.
Giit pa ng mambabatas, dapat ring isama sa imbestigasyon ang higher official ni Nuezca, na nagpabaya at hindi nagpursige ng kaso laban sa kaniyang tauhan.