-- Advertisements --

Tiniyak ng mga senador na pagpapaliwanagin nila ang mga nasa likod ng COVID-19 response dahil sa ilang pangako na hindi naisasakatuparan.

Ayon sa liderato ng Senado, mahalagang masuri at maipaghambing ang mga programa sa paglaban sa virus na naisakatuparan at ang mga hindi nagawa.

Ang pagpapatawag o pag-convene ng committee of the whole ay kasunod ng hiling ng executive branch na magkaroon ng dagdag na P25 billion, bilang dagdag na ilalaan sa COVID response ng gobyerno.

Ilan sa inaasahang haharap ang mga kinatawan ng inter-agency task force (IATF), budget department at mga kabahagi sa pagbili ng bakuna.