-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mas magandang magbitiw na lamang sa pwesto ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority (CAAP) dahil sa failure of leadership sa nangyaring shutdown sa NAIA.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Terry Ridon ng Infra Watch PH, sinabi niya na maraming pasahero mula sa iba’t ibang bansa ang naapektuhan at hindi naging maganda ang sitwasyon sa paliparan ng bansa lalo na at katatapos lamang ang holiday season.

Hindi rin dapat bigyan ng kalituhan o disorder ang pagpapanagot sa isyu sa CAAP ang privatization ng mga paliparan sa bansa.

Aniya, kahit isapribado pa ang mga paliparan sa bansa pangunahin na ang NAIA ay hindi naman kabilang sa privatization ang CAAP.

Pribado man ang mismong paliparan ngunit ang pagpapatakbo ng radar ay naka-limit pa rin sa CAAP.

Hindi pa rin mamementena ang mga gamit ng CAAP kahit pa naisapribado na ang mga paliparan at hindi pa rin maiiwasan ang nangyaring tigil operasyon.

Upang maayos ang problema ay kailangan ng accountability ng mga opisyal dahil isa itong international embarrassment.