-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nananatiling maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Middle East sa kabila ng banta na posibleng maapektuhan ang nasabing rehiyon sa umiinit na tensyon sa pagitan ng Iran at Amerika.

Sa report sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Marjorie Sarmiento na tubong San Vicente, Ilocos Sur ngunit nagtatrabaho sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, sinabi nito na walang problema sa kanilang kaligtasan at seguridad.

Gayunman, pinaghahanda na umano sila ng kanilang mga amo sa posibleng repatriation sakali mang maapektuhan sila sa tensyon.

Aniya, pinayuhan na sila ng kanilang mga amo na ihanda ang kanilang mga gamit lalo na ang passport at iba pang mahahalagang dokumento upang wala nang maging problema.