-- Advertisements --

BOMBO BUTUAN – Tensyunado ngayon ang mga overseas Filipino workers o OFWs sa Lebanon na naninirahan malapit sa border ng Israel at Gaza Strip sa Palestine.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international news correpondent Bren Jean Dawirao direkta mula Zahle, Lebanon, na wala silang natanggap na assurance mula sa Lebanese government ukol sa kanilang seguridad ngayong nadadamay na ang kanilang bansa sa kaguluhan sa pagitan ng Israeli forces at ng militanteng grupong Hamas ng Palestine.

Dagdag pa ni Dawirao, mas kabado sila ngayong determinado nang makikipaggiyera ang Lebanese militant group na Hezbollah laban sa Israeli forces bilang suporta sa Hamas.

Sa ngayo’y inabisuhan na sila ng Philippine Embassy na iwasan muna ang pagbibiyahe lalo na’t maya-maya na may bombahan na maririnig naman sa kanyang tinitirhan.