-- Advertisements --

Planong kausapin ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople ang Saudi Arabia para ipasok sa trabaho ang mga ililikas nilang mga skilled workers na naiipit sa kaguluhan sa Sudan.

Sinabi ni Ople na maraming mga overseas Filipino ang nanghihinayang na mawalan ng trabaho kaya minabuti nilang makausap ang Kingdom ng Saudi Arabia.

Maraming mga kumpanya kasi aniya ang naghahanap ng mga skilled workers sa Saudi Arabia.

Magugunitang sinimulan na ng gobyerno ng PIlipinas ang paglilikas sa mga Filipino na naiipit sa kaguluhan sa Sudan.