-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dumarami ang mga non-COVID cases na na-aadmit sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kasabay ng patuloy na pagbaba ng mga tinatanggap na COVID-19 patients.

Ilan sa mga naitatalang COVID-19 related illness ng CVMC ay ang dengue, hypertension, pagdudumi, pagduduwal at highblood.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC na dahil sa tuloy tuloy na pagbaba ng mga nagpopositibo sa COVID-19 maging ang mga pasyenteng may refferal mula sa ibang pagamutan sa rehiyon ay napagpasyahan nilang bawasan na ang kanilang isolation rooms para mabigyang daan ang mga non-COVID patients.

Dahil dito ay nasa 50 isolation rooms na lamang ang inilaan para sa mga COVID-19 patients gayunman tiniyak niya na hnidi pa rin sila magpapabaya at magpapakampante.

Ayon kay Dr. Baggao, sa kabila ng mababang kaso ay patuloy nilang pinaghahandaan ang mga na-admit na COVID patients.