CAUAYAN CITY- Tuluyan nang ipinasakamay sa mga biktima ng sunog sa New Ilagan City Public Market ang cash assistance na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso
Matatandaan na umabot sa anim na pwesto sa Building 3 ng pamilihan ang natupok ng sunog.
Kabilang sa mga nasunog ay ang mga grocery store, sari-sari store at bakery store at umabot sa labing isang vendors ang naging biktima.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauqyan kay City Mayor Jose Marie Diaz sinabi niya na naging programa na ng LGU ang pamamahagi ng Pinansyal na tulong sa mga naapektuhan ng sakuna, kalamidad o disgrasya kabilang ang mga nasusunugan.
Namahagi rin sila ng Kits sa mga nasunugan at itinaon sa regular flag raising ceremony ang pamamahagi ng cash assistance sa mga apektadong vendors.
Nasa Php20,000.00 bawat isa ang natanggap ng labing isang vendors at stall owners
Laking pasasalamat naman ng mga vendors dahil sa natanggap nilang tulong pananalapi na magagamit nila sa pagsisimula muli sa negosyo.
Pinaalalahanan naman nila ang kanilang mga kapwa vendors na maging maingat at tiyaking walang nakasaksak na appliances sa mga pwesto bago nila ito iwan.
Sa kasalukuyan ay inaayos na ang mga nasunog na stalls at inaasahang matatapos sa loob ng pitong araw.
Uukupahan na din ng mga vendors ang mga ito kapag na tuluyan nang naayos.










