-- Advertisements --
Nakatakdang ibenta sa mga Kadiwa stores ang mga nakumpiskang smuggled na asukal.
Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) board member at planters’ representative Pablo Luis Azcona , na inaprubahan ng Malacañang ang pagbebenta sa halagang P70 per kilo ang nasabing mga asukal.
Aabot sa kabuuang 12,000 metric tons na mga smuggled na asukal ang kanilang nakumpiska.
Ang 8,000 na metric tons na ito ay nakumpiska sa Batangas na nagkakahalaga ng P85-milyon habang ang 4,000 metric tons na mga ito ay nakumpiska sa Subic.
Magugunitang hiniling mismo ni SRA admnistrator David Alba kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kung maaari ay ibenta na lamang sa Kadiwa stores sa murang halaga ang mga nakumpiskang mga asukal.