Malaki ang maitutulong ng 60-kilometers floodway project na popondohan ng Asian Development Bank (ADB) sa pagtugon sa problema sa pagbaha sa Bulacan at Pampanga ayon yan sa pahayg ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Ginawa ng DPWH chief ang pahayag sa pagdinig ng Senado matapos ipalabas ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na problema sa pagbaha sa dalawang lugar sa kabila ng malaking pondo para sa mga programa sa pagkontrol sa baha.
Bilang tugon, sinabi ni Bonoan na may mga sumasailalim na sa mga proyekto na inaasahang magpapagaan sa mga problema sa pagbaha sa Bulacan at Pampanga.
Kabilang dito ang Pampanga River Floodway at ang San Antonio Swamp Ring Dike.
Aniya, ito ang magiging major project na sa tingin ng DPWH ay makakapag-ambag ng malaki para matugunan ang mga problema sa pagbaha sa Bulacan at Pampanga.
Dagdag ni Bonoan na inaayos na ang mga pinansiyal na kaayusan sa Asian Decelopment BAnk para sa pagsasagawa ng detalyadong engineering design.
Ayon kay Bonoan, ang proyekto ay maaaring magsimula sa 2024 at nasa itaas ng iminungkahing water impounding facility sa Central Luzon.