-- Advertisements --

Aabot na sa halos tatlong milyon tickets ang naibenta para sa FIFA World Cup sa Qatar.

Ayon kay World Cup Chief Operating Officer Colin Smith na ang pangunahing bansa na nakabili ng tickets ay mula sa Qatar, US, at Saudi Arabia.

Sa pinakahuling bilang ay aabot na sa 2.89 milyon ang naibenta para manood ng mga laro.

Sinabi naman ni FIFA president Gianni Infantino na nakabenta na sila ng 240,000 hospitality packages sa loob lamang ng ilang buwan para sa torneo na magsisimula sa Nobyembre 20.

Dahil sa limitadong accomodation sa Qatar ay pinili ng ilang mga fans na manirahan sa katabing bansa at sila lamang ay magtutungo sa lugar kapag may mga laro na.