Makakatanggap ng kalahati ng kanilang ibinayad ang mga nadismayang football fans sa Hong Kong na bigong makita si Lionel Messi.
Noong Pebrero kasi ay maraming mga fans ang nadismaya dahil sa hindi naglaro ang football star sa ginanap na exhibition games sa Hong Kong Stadium.
Ayon sa organizer na Tatler Asia na nasa $7.1 milyon ang halaga na ibabalik sa mga fans.
Lalong nadismaya ang fans ng maglaro ang 36-anyos na si Messi sa Japan matapos ang hindi paglalaro sa Hong Kong.
Magugunitang ilang linggong laman ng balita sa Hong Kong ang hindi paglalaro ni Messi na ikinadismaya ng maraming fans nito dahil sa nagbayad pa ang mga ito ng malaking halaga.
Paliwanag ni Messi na hindi ito nakapaglaro dahil sa may ininda itong injury.
Dahil na rin sa pangyayari ay kinansela na ng organizers ang dalawa pa sanang exhibition games sa Hong Kong.










