Maaari ng maghain ng traffic citation contest ang mga motorista sa online matapos ilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang online filing platform para sa mga nahuli dahil sa paglabag may kinalaman sa batas trapiko.
Ayon sa MMDA, ang mga inisyuhan ng traffic citation ticket ay kailangang mag-fill out sa online complaint form at i-upload ang kaukulang dokumento gaya ng Unified Ordinance Violation Receipt (UOVR), driver’s license, at ang Official Receipt/Certificate of Registration (OR/CR) ng sasakyan.
Sa loob ng 3-working days, tatawag ang MMDA-Traffic Adjudication Division (TAD) para sa pre-processing ng reklamo ng motorista kung saan ia-assess ang basehan at merito ng complaint at ang propriety ng mga attached documents.
Ang naturang division ang in-charge sa hearing compliants na inihaing complaint ng mga motorista.
Pagkatapos ng pre-processing, kapag desidido ang motorista na ituloy ang kanilang reklamo, i-schedule ito para sa pagdinig matapos ang kompirmasyon ng availability ng concerned parties.
Maaaring maghain ng protest mula 8am hanggang 5pm sa araw ng Lunes hanggang Biyernes habang ang naghain ng complaint ng lagpas sa 5pm ay aasikasuhin sa susunod na working days.