Ginarantiya ng Commission on Elections (Comelec) na hindi masasayang ang mga supplies na nakatakdang gamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sakaling man na ito’y ipagpaliban.
Paliwanag ni acting Comelec spokesperson Rex Laudiangco, maaari pa ring iimbak ang mga materyales gaya ng mga naimprentang balota at gamitin ang mga ito sa bagong itatakdang bagong petsa kung kailan idadaos ang halalan.
Ganito rin aniya ang kanilang ginawa noon nang ipagpaliban ang barangay at Sk elections noong taong 2017 at 2018.
Inihayag din ni poll body official na kinikilala ng Comelec ang kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas para sa pagpapaliban ng BSKE.
Una rito, ilang mga panukalang batas ang inihain sa Kongreso na naglalayong ipagpaliban muna ang BSKE na nakatakdang isagawa sa Disyembre 5 ngayong taon.
Isa dito ang Senate Bill na layong ilipat ang halalan para sa Barangay at Sk sa ikalawang Lunes ng Disyembre sa taong 2023.