-- Advertisements --
Masayang ipinamalita ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III na ang dagdag na sahod ng mga manggagawang Pinoy sa Taiwan.
Sinabi ni Bello na ang mga factory workers ang nabigyan ng panibagong dagdag na sahod.
Mula kasi sa dating P44,945 ay magiging P46, 992 na ito kada buwan.
Nauna ng nabigyan ng salary increase ang mga caregiver at household service worker sa Taiwan na mayroong hanggang P38,000 bilang minimum wage.
Nagkakaroon aniya ng magandang pagtrato ng mga manggagawang Pinoy sa Taiwan dahil wala aniyang natatanggap si Bello ng anumang reklamo mula sa kanila.