-- Advertisements --
chinese online POGo Eleazar

Inanunsiyo ng Central Luzon police na hindi bababa sa 30 manggagawa ng Tele Empire Inc. sa Subic Bay Freeport ang cleared na sa anumang criminal record.

Ito’y matapos sinimulan na ng pulisya ang pag-require sa mga dayuhang manggagawa na kumuha ng police clearance bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na sugpuin ang human trafficking at pagkidnap sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang Tele Empire ay hindi isang POGO ngunit ito ay isang akreditadong service provider ng customer and technical relations at suporta sa mga lisensyadong Pogos sa rehiyon.

Ayon kay Police Brig. Gen. Cesar Pasiwen, ang PNP regional director na humigit-kumulang 180 iba pang manggagawa sa Tele Empire, karamihan ay mga Chinese, Malaysian at Indians, ang naghihintay ng kanilang clearance.

Sinabi rin ni Pasiwen na ang pagkuha ng police clearance ay bahagi ng proseso ng pagkakakilanlan na dapat nang pagdaanan ng lahat ng dayuhan, gayundin ang mga Pilipino, na nagtatrabaho sa Pogos.