-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Labor and Employment ang mga mambabatas na umasa sa matibay na datos at masusing pagsusuri sa pagbuo ng mga polisiya sa sahod upang matiyak ang patas na kita ng mga manggagawa at katatagan ng ekonomiya.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), nagsisilbi lamang itong advisory body sa ilalim ng Wage Rationalization Act at hindi gumagawa ng batas. Nagbibigay ito ng mga ulat, kalkulasyon, at policy simulations bilang gabay ng Kongreso.

Giit ng DOLE, layunin ng mga rekomendasyon na balansehin ang interes ng employers at workers habang sinusuportahan ang economic stability, at iginagalang ang awtonomiya ng Kongreso sa pinal na desisyon. (Report by Bombo Jai)