BOMBO DAGUPAN – Hati ang reaksyon ng mga mamamayan ng Taiwan sa pagbisita doon ng ilang opisyal mula sa Estados Unidos.
Ayon kay Jason Baculinao, Bombo International News Correspondent sa Taiwan, may maliliit na rallies na nag ugat sa pagbisita ni House speaker Nancy Pelosi kamakailan.
Nagkaroon muli aniya ng mga maliliit na rallies sa pagdalo naman ng mga mambabatas mula sa Amerika.
May mga nagtataka sa madalas na pagbisita sa kanilang bansa ng mga opisyal ng Amerika kung ano ang tunay na intention ng US habang mayroon din namang pabor sa tuloy tuloy na pagbisita ng mga opisyal ng US sa kanilang bansa.
Samantala, aminado si Baculinao na may mga nangangamba na magkaroon ng giyera sa pagitan ng Taiwan at China.
Ito ay matapos magkaroon muli ng panibagong drills ng China sa palibot ng Taiwan dahil sa pagbisita ng mga US law makers.
Nagkaroon na aniya ng epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan ang military drills ng China sa palibot ng Taiwan at nagkaroon din ng epekto sa ibang produkto na inaangkat ng Taiwan sa China ang pagbisita ng mga opisyal ng US matapos na naglabas ang china ng listahan ng mga produkto na ban o pinagbabawal na makapasok sa kanilang bansa.