CAUAYAN CITY- Ikinababahala na ng ilang residente ng Japan ang sunod sunod na pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea sa karagatang sakop ng naturang bansa.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Myles Briones Beltran, na naiirita na ang mga Japanese officials dahil sa ginagawa ng North Korea na umanoy sumisira sa katahimikan ng kanilang bansa.
Ang itinuturong dahilan sa pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea ay dahil sa ginagawang pagsasanay ng Hukbong Sandatahan ng South Korea at Estados Unidos.
Bilang hakbang ay ipinag-utos na ni Prime Minister Fumio Kishida na palalakasin nito ang ugnayan ng Japan at Estados Unidos.
Una rito ay tinangka kausapin ng Japanese Government si North Korean Leader Kim Jong un subalit nanindigan itong walang dapat pag-usapan at hindi nito ititigil ang ginagawang hakbang partikular ang pagpapalipad ng mga ballistic missile.