-- Advertisements --

Magsisimula na ngayong araw, Disyembre 23, ang pagbabalik sa mga shopping malls sa Metro Manila ng kanilang normal operating hours.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaari ng magbukas ang mga mall ng alas-9 umaga para mabigyan pa ng oras ang mga publiko na isagawa ang kanilang last-minute Christmas shopping.

Una ng ipinatupad noong Nobyembre 14 ang 11a.m to 11 p.m. na schedule na mall operators para maiwasan ang matinding trapiko na magtatapos sana ng hanggang Enero 6, 2023.

Hindi rin aniya gaanong nagkaroon ng matinding trapiko sa Kamaynilaan dahil sa ipinatupad nilang mga preventive measures.