Nagpahayag ng pagka-alarma ang mga magulang ng ilang mga mag-aaral na nakiisa para sa kanilang panawagan na academic walkout bilang pagpapahayag ng kanilang pagtutol sa resulta ng eleksyon sa bansa.
Sa isang open letter ay sinabi ng isang nagngangalang Nikko Buendia na nagpakilalang magulang ng isang senior highschool na Atenean, ang kanyang pagkabagabag hinggil sa kilusang ito.
Aniya, ang academic walkout ay hinihikayat lamang ang mga kabataang mayroong maimpluwensyang kaisipan na bulag na isulong ang kanilang ipinaglalaban.
Bukod dito ay mayroon din daw siyang kapawa mga magulang na lumalapit sa kaniya upang magpahayag ng kalungkutan at pag-aalala tungkol sa kung paano naiiba ang pag-uugali ng kanilang mga anak kung saan ang isa ay umabot pa sa puntong mas pinili nitong makasama ang kaniyang mga kaibigang may kaparehong pag-iisip upang pawiin aniya ang kalungkutan ng isang kandidatong natalo ngayon eleksyon.
Naniniwala naman ang isa pang netizen na posibleng maging mitsa ng buhay ng mga kabataan ang pagdalo sa mga academic walkout tulad na lamang nang nangyari noon sa Plaza Miranda bombing.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa rin namang nagiging komento ang kampo ni Marcos patungkol sa academic walkout na isinasagawa ngayon ng mga kabataan bilang pagtutol sa kaniyang napipintong pagkapanalo bilang pangulo ng bansa, ngunit patuloy naman siyang nanawagan n suporta at pagkakaisa mula sa lahat ng mga Pilipino patungo sa landas na tatahakin ng bansa.










