-- Advertisements --

Pinaalalahan ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang at mga estudyante hinggil sa deadline ng enrollment sa darating na Hunyo 30.

Sa ngayon kasi, tanging 15 million lamang sa 27 million expected students ang nakapagpa-enroll para sa Academic Year 2020-2021.

Sa isang statement, sinabi ng DepEd na maaring isumite ang Learner Enrollment Survey Forms (LESF) sa pamamagitan ng drop boxes hanggang sa Hunyo 30.

“The Department of Education is reminding those who still intend to enroll in public schools to do so on or before June 30, 2020, Tuesday, as it is about to wrap up its month-long enrollment period,” saad ng kagawaran.

“As of June 27, 8 a.m., total enrollment data were at 15,182,075 nationwide, with 14,548, 915 registered in public schools, including those in the Alternative Learning System,” dagdag pa nito.

Base sa kanilang pagtataya, nasa 12 million estudyante pa ang hindi nakakapagpa-enroll tatlong araw bago ang deadline para sa registration sa nalalapit na pasikan.

Nauna nang itinakda ng DepEd ang unang dalawang linggo ng Hunyo para sa online enrollment, habang ang nalalabing dalawa pa ay para sa “physical” enrollement, kung saan ang mga magulang at mag-aaral ay kailangan na magsumite ng kanilang LESFs sa pamamagitan ng drop boxes.

Dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, nagdesisyon ang DepEd na buksan ang pasukan sa pamamagitan ng distance learning, kung saan hindi kailangan ng mga estudyante na pumasok sa paaralan ng personal para maiwasan na rin ang possible transmission ng virus.