CENTRAL MINDANAO-Kasabay ng pagtanggap ng 223 magsasaka ng abot sa P892,917.00 na insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation, nagpasalamat si Kabacan Cotabato Mayor-elect Evangeline Pascua-Guzman sa mainit na suporta.
Aniya, tulad ng suporta ng PCIC at Department of Agriculture sa mga magsasaka ay kanya ring ipapadama ang mainit nitong pagseserbisyo sa mga Kabacaño.
Samantala, nabatid na mula sa mga barangay ng Aringay, Bangilan, Cuyapon, Dagupan, Katidtuan, Kayaga, Kilagasan, Magatos, Osias, Lower at Upper Paatan, Pisan, Poblacion, at Bannawag.
Karamihan sa kanila ay mga magsasaka ng mais at palay na nasalanta ang taniman sa baha.
Hinikayat naman ni Mayor-elect Guzman ang mga magsasaka na tumugon sa panawagan na magparehistro sa RSBSA para sa mga programa at proyekto ng kagawaran.










