-- Advertisements --
Naghigpit ang Taguig City local government unit (LGU) sa mga magsasagawa ng mga Christmas Party.
Ayon sa LGU Taguig na kailangan pang kumuha ng mga permit ang mga nais na magsagawa ng Christmas Party.
Sa inilabas na Taguig Safe City Task Force Issued Advisory No. 60 nakasaad na lahat ng mga parties, pagtitipon, pagdiriwang, mga religious gatherings, fireworks displays at bazaars ay dapat ipaalam lahat ito sa LGU.
Ilan sa mga panuntunan na nakalagay ay dapat lahat ng mga dadalo ay fully-vaccinated na at ito ay dapat gawin sa outdoor.
Nakasaad din na dapat kumuha ng permit pitong araw bago gawin ang event at limitado lamang ang bilang na dadalo.