NAGA CITY- Kasabay ng enchance community quarantine muli na namang naitala ang African Swine fever (ASF) sa ilang barangay sa Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Veterinary Dr. Junius Elad sinabi nito na sininumalan na muli ang pag sasagawa ng culling operation sa dalawang barangay sa lungsod.
Ayon kay Elad, nauna na ang barangay Carolina na tinayang mayroong 200 na mga hog raiser ang apektado, habang mamayang gabi naman isasagawa sa barangay San felipe ang nasabing operation kung saan tinatayang anim na hog raiser ang naapektohan ng nasabing virus.
Ngunit ayon kay Elad sa ngayon nahahati sa tatlong lugar ang 1 km radius zone na binabantayan ito ay ang Barangay Carolina, bayan ng Calabanga at Bombon Camarines sur.
Sa ngayon nakikipagugnayan na umano ang ASF Task force Naga sa mga bayan na posibleng maapektohan ng nasabing virus.