-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang mga barangay na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, may 10 barangay pang natuklasan na may mga kaso ng ASF sa mga nakalipas na linggo.
Sinabi ng kalihim na sa kanilang record nasa halos 30 pa ang mga barangay na may aktibong kaso ng ASF sa bansa.
Lumalabas na mas mataas ito kumpara sa 19 na barangay lamang na naitala noong buwan ng Hunyo.
Nagpapatuloy na rin ang pagsisikap ng ahensya para sa muling pagpapalakas ng livestock industry sa ating bansa.