-- Advertisements --
princess beatrice 2

Ipinakita na sa publiko ng Buckingham Palace ang mga litratong kuha sa pribadong kasal ni Princess Beatrice, panganay na anak nina Duke of York Prince Andrew at Duchess of York Sarah Fergusson.

Ikinasal ito sa real estate developer na si Edoardo Mapelli Mozzi noong Biyernes na ginanap sa The Royal Chapel of All Saints sa Royal Lodge, Windsor kung saan dumalo ang kaniyang lola na Queen Elizabeth II.

Setyembre noong nakaraang taon nang mag-propose si Mozzi kay Beatrice habang nagbabakasyon ang mga ito sa Italya. Naantala ang pagpapakasal ng dalawa noong May 29 dahil sa coronavirus pandemic.

Suot ni Beatrice sa kaniyang kasal ang ilang gamit na hiniram nito kay Queen Elizabeth, tulad ng vintage, diamante-encrusted ivory dress na ginawa ni Norman Hartnell.

princess beatrice 1

Ginamit din nito ang parehong diamond fringe tiara na isinuot ni Queen Elizabeth noong siya ay ikasal. Ginawa noong 1919 ang trinket mula sa diamond necklace na bigay ni Queen Victoria.

The couple decided to hold a small private ceremony with their parents and siblings following the postponement of their wedding in May. Working within government guidelines, the service was in keeping with the unique circumstances while enabling them to celebrate their wedding with their closest family,” saad ng palasyo sa isang pahayag.