-- Advertisements --

Muling hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangan ng mga local government units na pagbutihin ang kani-kanilang disaster preparedness program.

Ito ay sa gitna ng matinding sakuna na naranasan ng ating mga kababayan sa Mindanao.

Ayon kay Gatchalian, panahon na para taasan ang antas ng kahandaan ng mga LGU upang mapanatili ang kaligtasan ng atin mga kababayan.c

Umaasa ang senador na ang pagsasabatas ng An Act Expanding The Application Of The Local Disaster Risk Reduction And Management Fund ay magbibigay sa mga LGU ng higit na pagkakataon sa pagpapatupad ng mga proyektong magpapalakas sa kanilang kahandaan at pagtugon sa mga sakuna at kapasidad sa rehabilitasyon.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang disaster-mitigation efforts ay lubos na mapapabuti kung ang mga LGU ay may sapat na pondo para magkaloob ng mga lokal na proyektong pang-imprastraktura na dinisenyo upang protektahan ang kanilang mga lokalidad laban sa mga natural na kalamidad.

Kung may sapat na pondo ang mga LGU aniya ay madali silang makababayad sa mga obligasyong natamo sa pagpopondo ng mga proyektong may kinalaman sa disaster preparedness and mitigation at madali silang makakakuha ng mga tao na magpapatupad sa mga programang ito.