-- Advertisements --

Nakaalis na sa Scotland at patungo na sa Buckingham Palace ang mga labi ni Queen Elizabeth II.

Isinakay ang nasabing kabaong ng queen monarch sa Royal Air Force C-17 transporter plane patungong London.

Bago ang pagsakay sa eroplano ng kabaong ay nagkaroon ng ilang seremonya ang mga Royal Guards ng Scotland.

Una ng bumalik sina King Charles III at Queen Consort sa Roya Air Force Northolt sa west London.

Magtutungo ang royal couple sa Buckingham Palace para doon salubungin ang bangkay ni Queen Elizabeth II.

Inaasahan na aabot sa isang oras ang biyahe ng eroplano mula Scotland patungong London.