Dumating na sa kanyang tahanan sa Tokyo, Japan ang motorcade na nagdala ng bangkay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Binaril si Abe habang nagsasalita sa isang political campaign event noong Biyernes ng umaga sa southern city ng Nara.
Ang mga pulis na nag-iimbestiga sa pagpatay ay nagsabi na ang suspek ay may sama ng loob laban sa isang “specific organisation”.
Ang sinasabing gunman, na pinangalanang Tetsuya Yamagami, 41, ay naniniwala na si Abe ay bahagi nito.
Inamin ni Yamagami ang pagbaril sa kanya gamit ang isang homemade gun.
Nang dumating ang bangkay na ni Abe sa kanyang tirahan sa Tokyo, pumila ang mga miyembro ng kanyang naghaharing Liberal Democratic Party (LDP), na nakasuot ng itim, para magbigay galang.
Inaasahang bibisita sa kaniyang burol ang kasalukuyang punong ministro na si Fumio Kishida.
Ayon sa mga ulat ng lokal na media, isang night vigil ang gaganapin sa Lunes at ang libing ni Abe ay magaganap sa Martes.
Si Abe ang pinakamatagal na naglilingkod sa punong ministro ng Japan at ang kanyang pagkamatay sa edad na 67 ay labis na ikinagulat ng bansa kung saan ang gun crime ay napakabihirang mangyari sa Japan.