Hinimok ng pamunuan ng Manila Electric Company o MERALCO ang mga kumpanya partikular na ang mga kumukunsumo ng mataas sa kuryente na sumali sa Interruptible Load Program (ILP) ng gobyerno.
Sa isang pahayag, sinabi ni MERALCO Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriag na layunin nitong matiyak na may sapat na kuryente sa darating na tag-init dulot ng El Nino.
Paliwanag pa nito na ang naturang programa ay isang energy demand-side management program kung saan, hinihimok ng MERALCO customer na gumamit ng mga generator set kapag may Red Alert.
Ito aniya ay makatitiyak na maiibsan ang pagka-antala sa serbisyo ng kuryente sa mga pangkaraniwang customer ng Meralco.
Batay sa kasalukuyan, sinab ni Zaldarriaga, aabot sa 103 na kumpanya ang nasa loob ng MERALCO franchise area.
Ang mga ito ay mayroong 528 megawatts de-loading capacity ang kasalukuyang kabilang sa ILP.
Sa kasalukuyan ani Zaldarriaga, nasa 103 kumpaniya sa loob ng MERALCO franchise area na mayroong 528 megawatts de-loading capacity ang kasalukuyang kabilang sa Interruptible Load Program .
Ito ay ipinatupad simula pa noong taong 2014 at mula noon ay nabawasan ang pagkaantala sa serbisyo ng MERALCO sa nasa 1.8 milyong pamilya.