-- Advertisements --
MALANYAON 2

DAVAO CITY – Nakapaghain na rin ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) si Davao de Oro Governor Jayvee Tyron Uy kaninang umaga kung saan pinakita niya ito sa kanya social media account.

Sinasabing muling tatakbo si Uy sa pagka-gobernador sa nasabing probinsiya kung saan ito na rin ang kanyang ikatlong termino.

Samantalang nakapag-file na rin ngayon ng kanyang COC si Incumbent Davao Oriental Vice Governor Nino Sotero Uy sa Comelec Provincial Office kaninang umaga.

Kakandito rin ito sa parehong posisyon sa ilalim ng Nacionalista-HNP Party.

Maaaga rin na pumunta sa Comelec Provincial office si Incumbent First District Representative Congresswoman Corazon N. Malanyaon para isumite ang kanyang Certificate of Candidacy (COC).

Kakandidato ang opisyal bilang gobernador sa lalawigan sa ilalim ng Nacionalista-KDO party.

Sinamahan ito ng kanyang asawa na si Louie at anak na si Michelle at ilang supporters.

Nagpakita rin ng kanyang suporta kay Cong. Malanyaon si incumbent Governor Nelson Dayanghirang na posibleng maghahain rin ng kanyang COC sa susunod na mga araw.

Sinasabing bago naging first district Representative, naging provincial governor ng tatlong termino si Cong. Malanyaon noong taong 2007-2016.

Kung bibigyan muli siya ng tyansa ng mga tao sa Davao Oriental bilang gobernador, ipagpapatuloy umano nito ang mga development programs sa probinsiya lalo na ang tourism development.

Sa kasalukuyan ay hindi pa naghain ng kanilang COCs ang mga kilalang pulitiko sa Davao del Sur at Occidental.