Pormal nang naghain ng ang Bureau of Customs ng dalawang kasong kriminal sa Department of Justice laban sa ilang importers na sangkot sa ilegal na pag-aangkat ng mga kemikal at gamit na helicopter at ilang parte nito.
Kung maaalala, naharang ng Customs noong Agosto ng kasalukuyang taon ang isang shipment ng 652 drums ng Molybdate mula sa United Kingdom sa Port of Manila.
Matapos ang isinagawang masusing pagsusuri sa naturang shipment, tumambad sa kanila ang mga steel drum na puno ng Sodium Cyanide na mayroong purity level na 98% mula sa bansang China.
Ang ganitong kemikal ay maituturing na napaka delikado na malinaw na paglabag sa Section 1401, Sections 1400 at 117 ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization Tariff Act.
Pasok rin ito sa paglabag sa Republic Act 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990 at sa Department of Environment and Natural Resources Administrative Order No. 39, Series of 1997 o Chemical Control Order for Cyanide and Cyanide Compounds.
Sa hiwalay na insidente, isang shipemt rin ang naharang sa Manila International Container Port noong May 2023.
Ito ay idineklarang naglalaman ng surplus na components ng helicopter ngunit nakumpirma na ito na naglalaman ng dalawang unit ng used helicopter at mga parte nito.
Mula Enero 2023 hanggang sa kasalukuyan, ang BOC ay nagsampa ng 87 kriminal na reklamo sa DOJ, na binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng bureau sa pangangalaga sa boarder ng bansa laban sa mga smuggler at ipinagbabawal na mga aktibidad.