-- Advertisements --
Bumuhos ang pagdarasal para sa agarang paggaling matapos na ibunyag ng Hollywood actor na si Sam Neill na mayroon itong stage-three blood cancer.
Ibinahagi kasi ng 75-anyos na “Jurassic Park” actor na nagsimula itong magpagamot noong nakaraang taon dahil sa sakit niyang non-Hodgkin lymphoma.
Sa kasalukuyan ay nasa remission na ito at patuloy ang kaniyang pagsasailalim ng chemotherapy.
Nagsimula itong sumikat noong 1970 kung saan bumida ito sa ilang mga tv shows at pelikula kabilang ang “Peaky Blinders” , “the Hunt for Red October” at “The Piano”.
Ilan sa mga nagpaabot ng agarang pagpapagaling ay mula sa mga nakasama nito sa mga pelikula at tv shows.