Inilahad ng mga kandidato sa pagkapangulo ang kanilang mga plano sakaling magkaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa.
Sa isinagawang 2022 Pilipinas Debates ng Commission on Elections (COMELEC) inihayag ng mga kandidato ang kanilang mga plano para labanan ito.
Sinabi ni Vice President Leni Robredo, na na dapat nakatuon ang gobyerno sa pagpapabakuna lalo na at hindi pa umaabot sa 77 milyon ang target para sa herd immunity.
Nararapat aniya na palakasin ang testing,tracing at treatment.
Sinang-ayunan naman ni dating defense secretary Norberto Gonzales ang naging pahayag ng bise presidente sa pagpapa-igting ng pagpapabakuna.
Kinuwestiyon din ni Gonzales ang ginawang pag-donate ng gobyerno ng mga bakuna gayong hindi pa natuturukan ang malaking populasyon ng bansa.
Isinusulong naman ni Senator Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng virology institute kung saan kaya ito naghain ng panukalang batas noon pang 2020 ng pagpapapatayo ng Virology, Science and Technology.
Sa panig naman ni labor leader Leody de Guzman na sakaling magkaroon ng panibagong surge ay dapat akuin na ito ng gobyerno at huwag gawing negosyo ang usapin ng kalusugan.
Maghahanap naman ng natitirang pondo si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa ilalim ng Bayanihan 1 and Bayanihan 2 para mayroong pambili ng gamot at kagamitang medical.
Habang ay isinusulong naman nina Senator Manny Pacquiao, Jose Montemayor at Faisal Mangondato ang pangmatagalang solusyon sakaling magkaroon muli ng paglobo ng COVID-19.