-- Advertisements --

Nagnegatibo sa bagong COVID-19 variant ang mga kamag-anak ng Pilipina sa Hong Kong na natuklasang tinamaan ng naturang uri ng virus.

Nabatid na pinadala sa Manila ang mga swab samples mula Solana, Cagayan na kinuha mula sa mga kamag-anak ng naturang Pilipina.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Hong Kong government na isang biyahero mula Pilipinas ang nagpositibo sa bagong COVID-19 variant.

Sinasabi na ang variant na ito ay mas nakakahawa pero wala namang indikasyon na nakikita ang mga eksperto na mas malala ang epekto nito sa tinamaang indibidwal.

Kalaunan ay kinumpirma ng Department of Health na positibo nga sa bagong variant ng COVID-19 ang naturang 30-anyos na overseas Filipina worker.

Nagnegatibo siya sa COVID-19 noong Disyembre 19, bago siya umalis ng Pilipinas, pero nagpositibo naman nang dumating na sa Hong Kong kasunod nang test na isinagawa sa kanya noong Enero 2.