-- Advertisements --
goring1

Unti-unti nang binubuksan sa trapiko ang mga kalsadang unang isinara matapos manalasa ang Bagyong Goring sa bansa.

Una rito, ilang mga road network ang hindi madaanan sa maraming bahagi ng bansa na kinabibilangan ng ilang mga kalsada sa Abra, Benguet, Apayao, at Mt Province sa Cordillera.

Kasama rin ang ilang mga kalsada sa ilocos Sur at Ilocos Norte, Nueva Vizcaya, at Batangas.

Habang sa ilang kalsada, isang linya lamang ng mga ito ang maaaring daanan.

Ayon s DPWH, matapos ang paglilinis at pag-aayos sa mga naturang kalsada, unti-unti nang naibabalik at binubuksan sa trapiko ang ilang mga kalsada sa Ilocos Region, at Cagayan Valley,

Gayonpaman, ilang mga kalsada sa CAR ang nananatiling pahirapan dahil na rin sa malawak na pinsalang inabot.

Sa kasalukuyan, batay sa ulat ng DPWH, umabot na sa P727,251,200 ang pinsalang iniwan ng bagyong Goring at habagat sa mga pampublikong imprastraktura sa bansa.

Kinabibilangan ito ng mga kalsada, mga flood control project, at mga tulay.