-- Advertisements --
image 329

Nakapagpasok ng mahigit P13Million na kita ang mga Kadiwa ng Pangulo outlets sa ibat ibang bahagi ng bansa, simula July 1 hanggang sa huling bahagi ng Mayo, 2023.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 335 na regular Kadiwa ng Pangulo outlet sa buong bansa.

Maliban sa mga ouutlets, mayroon ding 264 Kadiwa on Wheels at Kadiwa Pop-up stores na walang permanenteng schedule.

Nag-ambag ng pinakamalaking kita ang Kadiwa store sa Limay, Bataan, kung saan umabot ito sa P1.6Million.

Maalalang ang mga Kadiwa ng Pangulo store o Kadiwa ng Pangulo outlets ay itinatayo bilang tugon sa napakataas na presyo ng mga gulay sa ibat ibang mga merkado sa bansa.

Ang mga nasabing outlet ay direktang kumukuha ng mga produkto mula sa mga lokal na magsasaka ng bansa, kayat mas mababa ang presyo ng mga produktong ibinebenta sa mga ito.

Tiniyak naman ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang suporta ng kanyang administrasyon sa mga Kadiwa outlet, kasama na ang pagpapataas sa produksyon ng mga magsasaka, upang magtutuloy-tuloy ang mababang presyo ng mga agri products sa mga Kadiwa outlets.