CAGAYAN DE ORO CITY – Posibleng lalo na umani ng mga magkalahong reaksyon mula sa taong-bayan at magkaibang sektor ang panukalang baguhin ang Saligang Batas kahit iginiit ng Kamara na se-sentro lamang ang talakayan sa mga probisyon ng aspetong ekonomiya sa bansa.
Ito ay matapos inamin ni House committee on constitu-tional ammend-ments chairman at Cagayan de Oro 2nd District Rep.Rufus Rodriguez na hindi lumusot ang panukala na pagbawalan ang mga kaanak ng mga senador o mga kongresista na maging delegado sa isinsulong na constitutional convention ang paghihimay ng Saligang Batas.
Sa isang panayam,inihayag ni Rodriguez na mas nanaig ang kagustuhan ng maraming mambabatas na payagan na mahalal ang kuwalipikado at iboboto ng publiko upang bubuo sa delegasyon ng con-con.
Iginiit ng kongresista na hindi na demokrasya kung limitahan ang mga kaanak ng mga upong mambabatas na makalahok sa talakayan ng charter change.
Aniya,hindi rin ito patas para sa kanila na mayroong mga kaanak mula sa mga probinsya na gustong makatulong mapalakas ang laman ng Konstitusyon subalit pagbabawalan dahil lang sa isyu ng vested interests.
Bagamat nasa 301 mambabatas ng Kamara ang sumang-ayon sa talakayang charter change,subalit malamig naman ang trato ng mga senador dahil hindi umano nila ito prayoridad at maging ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.