-- Advertisements --
Ngayon pa lamang ay nag-aantay na umano ang mga investors sa magiging anunsiyo ni dating senador Bongbong Marcos sa magiging mukha ng kanyang economic team.
Naniniwala kasi ang mga mamumuhunan na ang mga bagong cabinet members ng bagong gobyerno ang siyang susunod na mamamahala sa pagrekober ng ekonomiya ng Pilipinas mula sa pandemya.
Una nang naapektuhan umano ang stock market ng Pilipinas dahil sa wala pang kasiguraduhan sa economic policies ng incoming president.
Ayon sa ilang ekonomista, umaasa sila na mag-a-appoint si Marcos ng mga best economic managers na magiging market-friendly ang direksiyon lalo na at noong kasagsagan daw ng kampanyahan ay may kakulangan sa pagpresenta sa kanyang ilang platporma de gobyerno.










