-- Advertisements --
Binigyang pugay ng France ang mga health workers na lumalaban sa coronavirus.
Isinagawa ito kasabay ng pagdiriwang ng kanilang Bastille Day.
Ito ang pangalawang pagkakataon na kinansela nila ang military parade dahil sa pandemic kung saan ang una ay noong 1945 dahil sa nangyaring World War 2.
Nagsagawa na lamang sila ng kaunting programa kung saan inimbitahan para maging audience ang mga kaanak ng mga health workers na nasawi dahil sa COVID-19.
Aabot naman sa mahigit 2,000 mga sundalo ang nagtipon-tipon sa ceremony sa Place de la Concorde.
Ang taunang okasyon ay paggunita sa pagsalakay sa Bastille prison noong 1789 na siyang simula umano ng French Revolution.