Muling nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga banyagang asawa ng mga Pilipino na interesadong bumiyahe sa Pilipinas na kailangan nilang kumuha o dapat ay may hawak silang kaukulang visa bago makapasok sa bansa.
Nag-isyu si BI Commissioner Jaime Morente ng reminder kasunod na rin ng pamemeke ng ilang foreign nationals ng kanilang mga certificate of marriage sa mga Philippine citizen habang ang iba ay pumasok na walang visa.
Ang naturang mga banyaga ay hindi pinapasok paglapag pa lamang ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at agad pinabalik sa kanilang bansa.
“We were informed that those excluded, although married to Filipinos, had no visas at all so they were sent back to their port of origin,” ani Morente.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division (POD) Acting Chief Grifton Medina mula noong August 19, 2020 nasa 15 aliens na may asawang mga Filipinos ang pinabalik sa NAIA dahil sa kabiguang makakuha ng visa bago ang kanilang pagdating dito sa bansa.
Kabilang daw sa mga ito ang Americans, Europeans, South Koreans at Africans na nagpakita lamang ng marriage certificates pero wala naman silang visa.
“They were advised to secure entry visas from our Philippine Consulates abroad so they can return and join their spouses and children here,” wika ni Medina.
Ikinalungkot naman ng BI ang naturang mga pangyayari dahil sa kabilan ng kanilang mga public advisories sa pamamagita ng kanilang official website at social media accounts ay mayroon pa ring mga hindi nakakaintindi o nalilito sa pagbabago ng travel restrictions ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
“We have already explained that all foreign nationals affected by these IATF-EID resolutions need to obtain valid visas prior arrival to allow entry to the country. Mere possession of a marriage certificate will not suffice,” dagdag ni Morente.
Dahil dito, pinaalalahanan na rin ni Morente ang iba’t ibang arline companies na sumunod sa IATF resolution at responsibilidad daw ng mga ito na ipagbigay alam sa mga foreign passengers kaugnay ng mga requirements bago sila payagang makapag-book at makasakay sa mga flights na papunta dito sa Pilipinas.