-- Advertisements --
Nagmartsa ang ilbo-libong football fans sa East Java sa Indonesia.
Ipinapanawagan ng mga ito ang malalimang imbestigasyon sa kapulisan dahil sa nangyaring stampede na ikinasawi ng 135 katao noong Oktubre.
May dala pa ang mga ito ng kabaong at nakasulat ang dahilan ng pagkasawi dahil sa tear gas.
Nauna ng sinabi ng human rights commission ng Indonesia na nasawi ang maraming biktima matapos na gumamit ang mga kapulisan ng tear gas.
Magugunitang marami ang nasawi at nasugatan ng lumusob ang mga football fans sa gitna soccer field sa Malang’s Kanjuruhan stadium, noong Oktubre 1 at para mapigilan ito ay gumamit ang mga ito ng tear gas.