Hinikayat ng isang house leader ang mga botanteng Pilipino na dapat hingan ng kanilang malinaw na posisyon ang mga senatorial candidates hinggil sa isyu sa pananakop ng China sa West Philippine Sea lalo na ang mga kandidato mula sa kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ang soberenya ng bansa ay nakataya sa darating na halalan.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Konghun na dapat ang mga senatorial candidates ay maging transparent sa kanilang paninindigan lalo na sa patuloy na pangha-harrass ng China sa mga Pilipinong mangingisda at sa mga kasundaluhan na nasa loob mismo ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Tanong kasi ng ating mga kababayan kung ang mga ito ay kakampi ng Pilipino o China.
Binigyang diin ni Khonghun na ang pambansang seguridad at integridad ng teritoryo ay dapat nasa forefront ng pampublikong diskurso, lalo pa at patuloy ang agresibong aksyon ng Tsina sa karagatan ng Pilipinas.
Muling pinagtibay ni Khonghun ang pangako ng Kamara na depensahan ang soberenya ng bansa lalo at masigasigasig na isinusulong ni House Speaker Martin Romualdez ang isang malakas na national defense at maritime security policies.
Siniguro ni Khonghun na ipagpapatuloy nila ng mga kapwa niya mambabatas na bumuo ng mga polisiya para mapalakas pa ang maritime defense ng bansa at mabigyan ng tulong ang mga apektadong komunidad dahil sa tensiyon sa West Phil Sea.
Giit ng Kongresista na hindi tayo dapat manahimik sa harap ng pambu-bully ng China.
Dagdag pa nito na walang puwang sa Senadp ang sino mang takot at kumikiling sa China.