-- Advertisements --
image 336

Tumanggap ang pamunuan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ng mga tractor units at iba pang mga kagamitang makinarya para sa pagsasaka.

Kabilang dito ang nasa 80 na tractor units, 48 units ng Sugarcane Planter, at 48 units ng mga makinaryang magagamit na panlinis sa mga plantasyon.

Ayon kay SRA Head Pablo Azcuna, ito ay bilang suporta sa sugarcane industry farm mechanization program na pinondohan ng kabuuang P314-million sa ilalim ng Japan Non-Project Grant Aid.

Magagamit aniya ang mga ito ng mga sugarcane farmers lalo ngayong nagsimula na ang milling season.

Nasa 51 tractor units ang ide-deploy sa sugarcane areas sa Visayas kabilang ang Negros Occidental, Negros Oriental, Iloilo, Leyte, Cebu at Capiz.

Labinlima dito ay ibibigay sa mga sugar cane farmers sa Luzon, habang 14 naman sa Mindanao.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Administrator Azcona sa Japanese government sa suporta nito sa mga sugar farmers.