-- Advertisements --

Maraming soccer fans sa Hong Kong ang nadismaya matapos ang hindi paglalaro ni Argentinian superstar Lionel Messi.

Nagkaroon kasi ng exhibition game ang Inter-Miami na koponan ni Messi ang ang Hong Kong subalit hindi nila nasilayang maglaro si Messi.

Nagsigawan ang mga fans at humingi ng refunds sa sold-out 40,000 seat ng Hong Kong Stadium.

Tinalo ng Inter Miami ang Hong Kong XI sa score na 4-1.

Hindi lamang mga soccer fans ang nadismaya dahil maging ang gobyerno ng Hong Kong ay nagpaabot ng kanilang pagkadismaya sa hindi paglalaro ni Messi.