Reading Time: 1 minute

TUGUEGARAO CITY – May pasok na bukas, July 18 ang mga estudyante sa lahat ng antas sa Cagayan (preschool – graduate school) matapos bawiin ni Gov. Manuel Mamba ang suspensyon ng klase dahil kay bagyong Falcon.

Batay sa rekomendasyon ng Cagayan Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO), wala nang banta ng panganib at peligro ang bagyong “FALCON” sa lalawigan.

Kaugnay nito ay binawi na rin ang ipinatutupad na “LIQUOR BAN” sa buong probinsiya.

Bukod sa Cagayan, binawi na rin ni Gov. Eleanor Begtang ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Apayao.