Mayroon lamang isang porsiyento ng bakanteng trabaho sa K-12 Job Fair noong 2022 ng Department of Labor and Employment ang napunta sa mga nagtapos ng senior high school.
Ayon kay DOLE Undersecretary Carmela Torres, na karamihang mga trabaho para sa kanila ay limitado lamang.
Sa mahigit 9,000 na bakanteng trabaho noong 2022 job fair ay 116 ay napunta sa mga senior high school graduates at karamihan ay napunta sa mga nagtapos ng mas mataas na educational backgrounds.
Ilan sa mga trabaho na napasukan ng mga ito ay bilang kahera, sales agent at service crew.
Aminado nito na karamihan sa mga kumpanya sa bansa ang nais na kumuha ng mga mayroong college diplomas.
Dahil dito ay gumagawa na ang ahensiya ng paraan para sa pagkakaroon na ng sapat na trabaho ang mga nagtapos ng senior high schools.